Tuesday, August 7, 2018

MALING Pag-ibig


Naranasan mo na bang mainlove?
OO naman siguro diba...

Yung feeling na akala mo siya na
Yung akala mo, kayo na
Yung akala mo, hanggang huli na kayo
Pero hanggang akala lang pala iyon
dahil nasira kayo, nasira ang masayang pagsasama ninyo dahil sa isang pagkakamali

Nangako kayo sa isa't isa
Pero ito'y mapapako lang pala
Masaya sa una pero masakit sa huli

Mahirap mainlove! Totoo diba...
Lalo na sa taong walang pakiramdam
Alam niyo kung bakit?
kasi kahit pinapahalata mo ng nasasaktan ka na
Di niya napapansin kasi wala siyang pakielam
Yung kahit ikaw na nga itong nasasaktan, siya pa yung magagalit

Pero ito rin yung mali mo...
Alam mo na ngang nasasaktan ka na, patuloy mo parin siyang pinapatawad at binibigyan ng second chance sa kadahilanang ayaw mo siyang mawala kasi mahal mo siya

OO nga mahal mo siya, pero tapat ba siya?
OO nga seryoso ka, pero ganun rin ba siya?
Mga AKALANG parang totoo, pero sa likod nito, mga kasinungalingan lamang
Mga salitang mabubulaklak pero balang araw malalanta ito at maglalaho

Heto, Para malaman niyo, pareho kayong nagkamali, pareho kayong nagkulang,hindi lang siyaang may mali...
Isipin mo...
Bakit siya bumitaw?
Bakit siya nagsawa?
Bakit nagawa ka niyang saktan?
Maaaring, dahil may mga bagay na wala sayo
dahil may mga bagay na kulang sayo
Dahil may iba na siyang gusto
O di kiya naman, nagsawa lang siya sayo

At minsan, napapaisip ka nalang...
Bakit habang tumatagal, napapansin mong nagbabago  na siya
Heto, isipin mo, bakit ba siya nagbago?
Dahil may mga bagay na nasa sayo na nakapagbago sa kanya
At sa bawat oras na nag aaway kayo ay may mga bagaybagay na nawawala
gaya nalang ng PAGTITIWALA
Pero tandaan niyo, hindi mabubuo ang Pag-ibig kung walang tiwala

Kaya kapag nagmahal ka,piliin mo yung Tama, hindi yung nakita mo lang siya, mahal mo na agad dahil doon mo matatagpuan ang MALING PAG-IBIG

Tandaan mo, Choose the RIGHT, not the BEST
Kaya dapat sa lahat ng bagay, piliin mo yung Right, wag yung Best
Mas matimbang parin ang Right sa best
Dapat I-apply ito sa lahat ng bagay, hindi puro pag-ibig

Puro kayo kasi PAG-IBIG, ARAL MUNA


-hahahaha





No comments:

Post a Comment

Intramurals 2018

Team 5, Mystical Green Python  I enjoyed the Intramural this year because it was fun, for me, it was the best Intramural I've...